PRC, dapat maglagay ng satellite venues para sa licensure exams

Inirekomenda ni Senator Sonny Angara sa Professional Regulatory Commission o PRC ang paglalagay ng satellite venue para sa mga naka-schedule na licensure examinations ngayong taon.

Giit ni Angara sa PRC, ikonsidera ang pagtatayo ng satellite testing venues sa mga probinsiya na may mahigit 100 examinees.

Layunin ng mungkahi ni Angara na matulungan ang mga aspiring doctors, nurses, policemen, teachers at iba pang professionals na limitado ang paglabas dahil sa COVID-19 pandemic.


Diin ni Angara, ngayon ay higit na kailangan ang mas maraming mga doktor, nurses at mga guro para makatugon sa patuloy nating laban sa pandemya.

Ipinaliwanag ni Angara, na dahil sa COVID-19 ay malaking hamon ang biyahe dahil mga kukuha ng licensure examinations sa mga quarantine restrictions na ipinatutupad ng mga Local Government Units (LGUs).

Binanggit ni Angara na sa kasalukuyang sistema, ang mga licensure examination ay idinaraos sa mga regional office ng PRC kaya pahirap ito sa mga aplikante lalo na kung galing sa malalayong lugar at kailangan pang sumailalim sa COVID-19 testing.

Facebook Comments