PRC EDSA Boni Bakuna Center, handa na sa pagsasagawa ng vaccination roll out

Handa nang magsagawa ng vaccination roll out ang bagong tayong Philippine Red Cross (PRC) EDSA Boni Bakuna Center.

Ito ay matapos magbukas ang nasabing bakuna center noong Huwebes, August 5 na naglalayong makatulong sa pagbabakuna ng COVID-19 priority groups partikular ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ang mga nasa A1, A2, at A3 categories.

Ayon kay PRC Chairman at Sen. Richard Gordon, ito ay sa pamahalaan sa pagpapababa ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.


Habang inihayag ni PRC Health Manager Mark Abrigo na mismong LGU ang nag-grant ng accreditation sa bagong PRC Bakuna Center noong August 4.

Dahil dito, patuloy pa magbubukas ang PRC ng mas maraming Bakuna Centers sa Metro Manila sa mga susunod pang linggo.

Samantala, kabilang pa sa mga Bakuna Centers sa Metro ang:
• PRC PLMC Mandaluyong
• PRC EDSA boni
• PRC Pasay Chapter
• PRC Port Area
• PRC Kabaka Manila
• PRC Letran Manila
• PRC QC – Ever Commonwealth*
• PRC Rizal Chapter – Arcovia Mall Pasig*
• PRC Rizal Chapter – San Lorenzo Mall Makati*

Habang nakatakda naman magbukas pa ang Bakuna Centers sa:
• PRC Caloocan City – MCU
• PRC Malabon – Rotary Club of Malabon
• PRC Quezon City – Fisher Mall
• PRC Marikina – Concepcion Elementary School
• PRC Rizal Chapter (Pasig) – Rizal Technological University

Facebook Comments