PRC, handang makipagtulungan sa DOH para sa imbestigasyon sa umano’y “false positives” COVID-19 test ng ahensiya

45

Sumagot na si Senator Richard Gordon sa panibagong patutsada sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umano’y “false positives” COVID-19 test na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay Gordon, malinaw ang mga datos ng PRC para sa COVID-19 testing dahil dumaraan ito sa masusing proseso.


Handa naman ang PRC na makipagtulungan sa Department of Health (DOH) para gagawing imbestigasyon sa COVID-19 testing.

Ang PRC ay isa sa pangunahing testing facility sa bansa.

Dahil dito, paliwanag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na damay na rin sa utos ng pangulo sa imbestigasyon sa PRC ang iba pang mga testing laboratory sa bansa.

Facebook Comments