PRC, hinimok ang mga senior citizen na magpabakuna

Hinimok ng Philippine Red Cross (PRC) ang mas maraming nakakatanda na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ito ay bilang suporta sa kampanya ng World Health Organization (WHO) na agad mabakunahan lalo na ang mga nasa A2 priority group o mga senior citizens.

Ayon sa WHO Philippines, mas maraming kaso ng pagkamatay bunsod ng COVID-19 ay naitatala sa mga senior citizen.


Giit ni PRC chairman at Senator Richard Gordon, libre naman ang bakuna kaya walang dahilan para hindi sila magpaturok.

Hindi lamang aniya kanilang mga sarili ang maililigtas ng bakuna kundi maging ang kanilang mga pamilya, kapitbahay at komunidad.

Facebook Comments