Isasagawa ng Professional Regulations Commission Regional Office 1 ang licensure exams para sa Certified Public Accountant simula sa araw ng biyernes, ika-14 ng Oktubre.
Mayroong 183 na examinees ang nakatalagang mag-exam sa October 14-15 sa Rosales North Central School.
Ayon kay PRC Regional Director Atty. Arl Ruth Sacay-Sabelo, kinakailangang dalhin ang kanilang Notice of Admission o NOA,one piece metered-stamped window mailing envelope, lapis (No.2), ball pens (black ink), long brown envelope, and isang long transparent (non-colored) plastic envelope para sa mga kanilang mga gamit.
Inabisuhan ni Sabelo ang mga ito na i-check ang kanilang room assignment sa PRC website bago ang pagsusulit. |ifmnews
Facebook Comments