PRC kasado na ang Sabayang Patak Kontra Polio sa NCR at Mindanao

Handang handa na ang Philippine Red Cross para sa Polio Mass Vaccination, Sabayang Patak Kontra Polio,na sinimulan ngayong araw November 25 hanggang December 7, 2019 sa  Metro Manila at Mindanao.

Tinatayang 5.7 Million na kabataan na may edad na 5 taong gulang pababa ang mababakunahan sa National Capital Region at Mindanao.

Ayon sa PRC na target nilang mabakunahan ang 100,000 mga bata kung saan 50,000 sa Metro Manila,at  50,000 naman sa  Mindanao.


Nakakalat na ang PRC Vaccination Teams sa Metro Manila kabilang sa Quezon City, Pasay, Marikina, Manila, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Taguig, Muntinlupa, Parañaque.

Sa Mindanao naman naka deploy nag PRC Vaccination Team sa Davao City, Davao Del Sur, Lanao Del Sur, Davao Oriental, Davao Del Norte, Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Sultan Kudarat, Cotabato, Bukidnon, General Santos City, Iligan City, Zamboanga City, Sulu and Tawi Tawi.

Ipinakalat na ang 25 Chapters ng PRC ang mahigit 1000 nilang volunteers bilang pagsuporta sa DOH sa kanilang kampanya na tuldukan na ang mga biktima ng Polio at upang matiyak na rin ang mga lehitimong mga batang mabakunahan ng Anti Polio at maturuan naman ang kanilang mga magulang ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata.

Facebook Comments