PRC, lalagyan ng emergency field medical tents ang ilang ospital sa Metro Manila para sa mga pasyente ng tigdas

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na maglalagay pa ito ng mga Emergency Field medical tents sa dalawang Hospital sa Quezon City at isa sa Caloocan City na sinasabing nagsisikip na rin sa mga pasyenteng may sakit na tigdas.

Ito ay tugon ng Red Cross sa kahilingan ng mga hospital na maglagay din ng Emergency Medical Units o Outdoor Hospitals na katulad na inilagay nito sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Ang paglalagay ng mga air-conditioned emergency field medical tents ay suporta ng Red Cross sa pamahalaan sa pagtugon sa tumataas na kaso ng sakit na tigdas sa bansa.


Una nang ng nag set up ng 20 bed at 50 bed Emergency Medical Units sa dalawang hospital sa Maynila ang PRC kasunod ng deklarasyon ng Department of Health ng Measles Outbreak sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Pinangangasiwaan ito ng mga volunteer doctors at nurses mula sa local chapters at partner institutions.

Facebook Comments