PRC, maaaring maglunsad ng saliva test sa loob ng susunod 1 hanggang 2 linggo kapag binigyan ng go signal ng gobyerno

Maaaring maglunsad ang Philippine Red Cross (PRC) ng saliva test para sa COVID-19 detection sa bansa sa susunod na dalawang linggo kapag pinahintulutan ito ng pamahalaan.

Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, inihahanda na nila ang mga gagamitin sa testing.

Kapag nagkaroon ng formal agreement ay agad nilang sisimulan ito at uunahin ang Metro Manila.


Ang saliva test ay mas mura kumpara sa RT-PCR test na nagkakahalaga ng ₱2,000 o mababa.

Ang resulta ay inaasahang lalabas sa loob ng tatlong oras.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ng karagdagang pag-aaral para rito.

Facebook Comments