PRC, magkakaloob ng tig-100 thousand dollars na tulong sa Turkey at Syria

Sumama na rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga boses na nananawagan ng tulong sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Turkey at Syria.

Kasabay nito, inanunsyo ni PRC Chairman Richard Gordon ang pagpapaabot bila ng tig-$100 thousand sa Turkey at Syria para makatulong sa kanikang relief at rescue operations.

Ani Gordon, may magandang relasyon ang PRC sa Turkish Red Crescent Society.


Aniya sa pananalanta ng Super Typhoon Haiyan sa Pilipinas noong 2013, ang Turkey ang unang naghatid ng tulong sa mga nasalanta.

Ani Gordon, ngayon naman ang panahon para magbalik ng tulong sa Turkey na nahaharap sa matinding kalamidad.

Umaapela rin si Gordon sa mga personal na kaibigan at mga paetner companies na magkaloob ng tulong in-kind.

Ipinarating aniya sa kaniya ng Turkish Embassy sa Pilipinas na mas makatutulong ang PRC kung ang ipahatid na tulong ay mga medical devices, mga gamot at medical consumables na lubha nilang kinakailangan ngayon.

Nakahanda ring magpadala ng mga doktor at nurses sa Turkey kung kinakailangan.

Nagpahatid na rin ng pakikiramay ang PRC sa mga nawalan ng mga mahal sa buhay sa naturang mga bansa dahil sa nangyaring malakas na lindol.

Facebook Comments