PRC, magpapadala ng mga dugo sa Bicol bukas sa harap ng kakapusan sa blood supply sa Region 5

Magpapadala bukas ang Philippine Red Cross (PRC) ng red cells bukas sa Bicol Region.

Sa harap ito ng kakapusan sa supply ng dugo sa Region 5.

Ayon kay PRC Chairman and CEO Richard Gordon, 50 units ng packed red cells ang ipadadala nila sa rehiyon bukas sa pamamagitan ng eroplano.


Aniya, sa ngayon ay mayroon silang 227 blood units sa Bicol.

Inatasan din ni Gordon ang lahat ng kanilang chapters sa buong bansa na paigtingin ang blood donation drives.

Facebook Comments