Maglalaaan pa rin ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) kagaya ng ginagawa nila nang mga nakalipas na taon para sa Traslacion.
Ayon kay PRC CEO at Senator Richard Gordon, hindi bababa sa 1,000 nilang mga tauhan at volunteers ang ipakakalat nila para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Maliban sa manpower, magtatayo rin ng 13 first aid stations ang PRC at maglalaan ng 50 ambulansya sa mga ruta na dadaanan ng Prusisyon.
Magppuwesto rin aniya sila ng rescue at Amphibian boats malapit sa Ayala Bridge.
Nakipag ugnayan na rin sila sa mga ospital sa Maynila para sa mga insidente na pwedeng mangyari sa mga deboto.
Nabatid na mamayang gabi magkakaroon ng full deployment ng mga tauhan at kagamitan ang PRC sa Traslacion.
Facebook Comments