PRC, may panawagan sa mga nanloloko sa emergency hotline na 143

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na tigilan na ang maling paggamit ng Emergency Hotline na ‘143’.

Partikular na tinatawagan ng pansin ang mga tawag na “non-emergency” at nanloloko.

Sa pahayag ng PRC, dapat na panatilihing bukas ang linya para sa mga lehitimong emergency.


Nabatid na mula sa datos ng PRC Operations Center, umaabot sa 78% ang prank calls o katumbas ng mahigit 2,300 na tawag na natanggap noong Agosto 14.

Ang mga tawag na ito ay nagbaba ng telepono matapos marinig ang PRC representatives.

Muling iginiit ng PRC ang kahalagahan ng naturang hotline kung saan importante ito lalo na kung kinakailangan ng responde tulad sa mga aksidente sa kalsada.

Pinapayuhan ang lahat na maging responsable sa pagtawag sa Emergency Hotline ‘143’ para na rin sa kapakanan ng mga nangangailangan.

Facebook Comments