PRC, muling nagpamahagi ng tulong pinansiyal sa mga pamilyang nasira ang tahanan bunsod ng hagupit ng Bagyong Rolly

Muling nagpamahagi ng tulong pinansyal ang Philippine Red Cross (PRC) sa tulong ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa halos 249 na pamilya sa Malinao, Albay na naapektuhan ng hagupit ng Bagyong Rolly, limang buwan na ang nakalipas.

Ang nasabing halaga ay makakatulong sa pagsasa-ayos ng kanilang mga tahanang winasak ng Bagyong Rolly.

Aabot sa P35,000 ang matatanggap ng pamilyang lubhang nasira ang bahay habang P17,000 naman para sa bahagyang sira lamang.


Prayoridad ng tulong pinansiyal na ito ang mga matatanda, single parents at pamilyang nakatira sa make shift houses o barong-barong.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, nakahanda silang tumulong sa mangangailangan at tiniyak na patuloy ang PRC sa paghahatid ng pag-asa sa mga Pilipino.

Nabatid na umabot sa PHP 6,685,000 ang naipamahaging tulong ng PRC sa mga residente ng Malinao, Albay.

Facebook Comments