PRC, NAG-ALOK NG COVID-19 MOBILE VACCINATION CLINIC SA ISABELA

Cauayan City, Isabela- Nakahanda ang Philippine Red Cross (PRC) na makipagtulungan sa COVID-19 vaccination rollout ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela upang makamit ang herd immunity sa probinsya.

Sa sulat ni PRC-Isabela Chapter Administrator Josie Stephany Cabrera kay Isabela Governor Rodito Albano III, ipinaabot nito ang suporta ng nasabing ahensya sa ilalim ng pamumuno ni Chairman Richard Gordon bilang katuwang ng probinsya sa pagsasagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19 na kanila rin isinangguni sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang vaccination bus ay binubuo ng mga bihasang grupo ng mga magbabakuna dala ang 6,000 COVID-19 doses ng bakuna.


Target naman na mabakunahan dito ang mga nasa A1 hanggang A3 priority groups sa mga bayan na nasa ‘high risk’ tulad ng Cabagan at Tumauini, Isabela.

Facebook Comments