Nagbukas na ng COVID-19 hotline ang Philippine Red Cross (PRC) para sa publiko dahil na rin sa tumataas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay PRC Chairman at Senador Richard Gordon, handa nang tumanggap ng tawag COVID-19 HOTLINE 1158 mula sa publiko para sa anumang impormasyon at katanungan tungkol sa COVID-19 Pandemic.
Paliwanag ni Gordon maaari umanong magtanong ang sinuman ng mga personal na impormasyon upang ma-assess ang sitwasyon o sinumang COVID-19 patient.
Hiningi rin ng Red Cross ang kooperasyon ng lahat para maikalat ang tamang impormasyon para labanan ang pagkalat ng virus.
Hinihiling din nito na huwag gumawa ng panloloko sa numerong ito upang mabigyan ng oras at atensyon ang mga tawag ng mga higit na nangangailangan.
Facebook Comments