Nagpaalala ang Philippine Red Cross na trabaho ng gobyerno ang tugunan ang problema ng bansa sa COVID-19 pandemic.
Ito ay matapos ang pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ahensiya na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.
Sa isang pahayag, sinabi ng PRC Board of Governors na tumulong na nga sila sa pagkakaroon ng COVID-19 testing sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Napunan din anila ng PRC ang halos kalahating porsyento ng COVID-19 testing sa bansa pero napahinto ito dahil na rin sa utang sa kanila ng ahensiya.
Matatandaang sa Talk to the Nation Address ni Pangulong Duterte nitong Huwebes ay nais niyang silipin ng Commission on Audit (COA) ang Red Cross.
Sa kabila niyan, walang kakayanan ang COA na i-audit ang PRC na isang Non-Government Organization.