Dumating na ngayon sa Davao del Sur ang inisyal na 10 Temporary Learning Spaces na ipinadala ng Philippine Red Cross (PRC).
Ang mga Temporary Learning Spaces ay magsisilbing silid-aralan ng mga estudyante para maipagpapatuloy lang ang kanilang pag-aaral doon matapos masira ng malakas na lindol ang kanilang mga paaralan o ‘di kaya ay ginamit bilang mga evacuation centers.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, ang misyong ito ay inisyatibo ng Red Cross Youth para makatulong sa libu-libong displaced students.
Ayon sa PRC, tig-limang Temporary Learning Spaces ang ibibigay sa North Cotabato and Davao del Sur at bawat tent ay kayang maka-accommodate ng 40 hanggang 50 estudyante.
Base sa datus ng Department of Education (DepEd) mahigit 1,000 paaralan ang na-damaged ng lindol sa iba’t ibang lugar sa North Cotabato at Davao del Sur.