PRC, nagsimula nang tumanggap ng online payments

Maaaring gamitin ng mga Filipino professional ang e-wallet sa pakikipag-transaksyon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Ito ay matapos makipag-partner ang PRC sa online payments platform na Paymaya Philippines.

Ibig sabihin, maaaring nang tumanggap ang PRC ng prepaid, credit at debit cards, maging mobile numbers na naka-link sa Paymaya e-wallet accounts.


Nagsimula ang serbisyo mula pa nitong June 28, 2019.

Ang examination at license registration fees, maging ang renewal ng professional identification card at certifications ng board rating at passing ay maaari nang bayaran electronically.

Facebook Comments