PRC, nakaalerto na rin sa isa pang bagyong paparating sa bansa

Naghahanda na rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa isa pang bagyong nagbabanta sa bansa.

Nagbabala rin si PRC Chairman at CEO Richard Gordon dahil sa palakas aniya nang palakas ang mga bagyong dumarating sa bansa kaysa sa inaasahan.

Sa ngayon, nakakalat na ang humanitarian caravans ng Red Cross sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine.


Patuloy rin ang pag-iikot ng mga ambulansya ng Red Cross para umalalay sa mga residenteng nasaktan sa pananalasa ng bagyo.

Nakaalerto rin ang Red Cross sa banta ng pagragasa ng lahar mula sa Bulkang Mayon sa Albay.

Facebook Comments