PRC, nakahanda na para sa Traslacion ng Itim na Nazareno

Manila, Philippines – Nakahanda na ang Philippine Red Cross (PRC) para sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Miyerkules, Enero 9.

Ayon kay PRC Chairman Senator Richard Gordon, 800 first aide station ang ipinakalat nila sa paligid ng Quiapo church.

Mayroon rin aniya silang nakaantabay na emergency unit para sa mga debotong mangangailangan ng atensyong medikal.


Bukod rito, mayroon ring nakakalat na mga 18 ambulansya at maging rescue boat.

Habang 32 iba pa ang naka-standby para sa emergency situations.

Facebook Comments