Nakapagbigay ang Philippine Red Cross (PRC) sa 10 Filipino seafarers ng unang doses ng Moderna vaccine kontra COVID-19 sa kanilang Bakuna Center sa Mandaluyong City.
Ayon kay Julius, isa sa mga nakatanggap ng naturang bakuna, sobrang nagpapasalamat siya sa PRC dahil makakapagtrabaho na siya sa barko at matutulungan na niya ang kaniyang pamilya.
Sinabi naman ni PRC Chairman & CEO Sen. Richard Gordon, patuloy ang pagtulong ng PRC sa vaccination roll out ng gobyerno upang maprotektahan ang publiko sa nakakahawa at nakakamatay na sakit.
Dagdag pa niya, ito ay pasimula pa lang sa mga programa ng PRC at plano na makapagbakuna pa ng maraming OFW’s gamit ang Moderna vaccine sa Metro Manila, Cebu, Iloilo, at Davao sa mga susunod na linggo.
Matatandaan, unang dumating ang nasabing bakuna sa PRC noong Hulyo 3, 2021 at inaasahan na maraming Moderna vaccine pa ang darating sa susunod na buwan.