PRC, nakapagpatayo na ng 98 blood facilities sa Pilipinas

Umabot na sa 98 blood facilities ang naipatayo ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa.

Ang PRC ang nangungunang tagapagbigay ng dugo sa mga Pilipinas para sa mga nangangailangan nito.

Nabatid na 50% ng donasyong dugo sa bansa ay nanggagaling sa PRC na nakapagbigay na ng 268,894 units of blood simula January 2021 para sa 109,644 indibidwal.


Dumipensa naman ang PRC sa bayad ng hinihingi ng ahensiya kung nangangailangan ng dugo at isang indibidwal at sinabing dumaraan pa sa marami pagsusuri ang dugo matapos itong i-donate ng isang tao.

Ang PRC ay mayroong pondong P11.5 million na nanggagaling kay PRC Chairman Richard Gordon na itinutulong sa mga Local Government Unit, hospital social worker at hospital social service department.

Facebook Comments