Umabot na sa 150 ang mga ambulansya sa ngayon ng Philippine Red Cross (PRC).
Ito ay makaraang makatanggap ang ahensya ng karagdagang ambulansya mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, magandang pamasko ito sa kanila ng PCSO dahil makakatulong ito sa pagsagip ng buhay.
Taglay ng bawat ambulansya ang mga makabagong teknolohiya tulad ng basic life support equipment, automated external defibrillator, oxygen tanks, trauma kit, stretchers at respirators.
Meron din itong ventilator, na isang machine na ginagamit sa mga ospital para tulungan ang pasyente sa kanyang paghinga.
Sa ngayon plano ng PRC na lagyan ang bawat ambulansya ng perfusion boxes, kung saan maaaring i-transport ang body organ mula sa donor patungo sa isang medical facility.
Sa pinakahuling datos ng PRC napaglingkuran na ng kanilang mga ambulansya ang 8,588 patients nationwide kasama ang 6,205 na indibidwal na dinala sa mga ospital para sa karagdagang medical attention.