Umaasa ang Philippine Red Cross (PRC) na maisasama ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa COVID-19 benefit package nito ang saliva test.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PRC Secretary General Elizabeth Zavalla na bukod sa mas mura, reliable rin ang saliva test gaya ng RT-PCR swab test.
Sa ngayon, hinihintay na lang din aniya nila ang resulta ng ginagawang pag-aaral ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) hinggil sa bisa ng saliva test.
Gayunman, ilang mall owners na sa buong bansa ang nakikipagkasundo sa PRC para sa pagsasagawa ng drive-thru saliva testing.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa Department of Tourism (DOT) para magamit ang saliva test.
Umabot na sa 11,818 na saliva tests ang naisagawa ng PRC simula nitong January 25 habang 1,929,420 RT-PCR tests naman simula April 14, 2020.
Inaasahang sa loob ng pito hanggang sampung araw ay maaabot ng PRC ang target nitong 2-million mark para sa RT-PCR test.