PRC, namahagi ng food assistance sa mga PWD sa buong bansa

Umabot ng 5,800 na mga Persons with Disability o PWDs sa buong bansa ang nakatanggap ng food assistance mula sa Philippine Red Cross (PCR).

Ito matapos gawin ngayong araw ang simultaneous nationwide food distribution ng PRC para sa mga PWD bilang beneficiaries ng nasabing programa.

Ang bawat food pack ay may lamang spaghetti noodles at sauce, cheese, bread, spam at Juice.


Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, layunin nito na maisama ang mga PWD na mabiyan ng tulong ng PRC bilang isa sa mga sector ng bansa na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ang siyam na mga PWD na dumalo sa ceremonial distribution ng food packs sa PRC headquarters sa Mandaluyong ay bahagi lang aniya ng nasabing programa upang masunod ang social distancing.

Sinabi rin ni Gordon na katuwang nito ng PRC ang samahan ng mga PWDs sa bansa kung saan kinuha ang mga beneficiaries ng food assistance program ng PRC.

Facebook Comments