PRC, namahagi ng tulong sa ilang komunidad sa bansa na naapektuhan ng Bagyong Rolly at kasalukuyang pandemya

Namahagi ng ayuda ang Philippine Red Cross (PRC) sa tulong ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) at American Red Cross sa mga residente ng Leyte, Cebu, Rizal at Catanduanes na pawang naapektuhan ng Bagyong Rolly at COVID-19 pandemic.

Kabilang dito ang 301 pamilya mula sa 32 barangays sa munisipalidad Alangalang sa Leyte kung saan umabot sa ₱1,053,500 ang kabuuang halaga ng tulong.

Natanggap naman ng munisipalidad ng Minganilla at Naga City sa Cebu ang ₱252,0000 na nakalaan para sa 72 pamilya sa nasabing probinsya.


35 na pamilya naman mula sa pondong ₱122,500 para sa 13 barangay sa Tanay, Rizal ang nakatanggap ng ayuda sa PRC.

Habang 191 pamilya mula sa Baras, Catanduanes na pawang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Rolly noong nakaraang taon ang napamahagian ng tulong mula sa kabuuang halaga na ₱668,500.

Sa kabuuan, pumalo sa ₱2,096,500 para sa 599 pamilya ang natulunga ng PRC at ng mga partner organizations nito.

Kasunod nito, nagpasalamat naman si PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon ang lahat ng staff at volunteers ng PRC sa kanilang walang sawang suporta sa organisayon para maibsan ang paghihirap na nararanasan ng maraming Pilipino ngayon.

Facebook Comments