Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-donate ng dugo bilang gift of life ngayong Pasko.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, itinuturing nilang lean month ang December hanggang January dahil kakaunti lamang ang nagdo-donate ng dugo.
Marami kasing aktibidad ang mga Filipino tuwing Pasko at bagong taon tulad ng kaliwa’t kanang party kung kaya at hindi naisisingit ang pagdo-donate ng dugo.
Umaasa naman si Gordon na kahit abala ang nakakarami ngayong holiday season ay hindi pa rin magkukulang ng dugo sa kanilang blood bank saka-sakaling kailanganin.
Kaugnay nito hinihikayat ng PRC ang bawat pamilya na magsagawa ng blood donation for a cause.
89 na blood service facilities nationwide ang bukas para sa mga nais magbigay o mag-donate ng dugo ngayong holiday season.