Umapela ang pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na mag-donate ng dugo para matiyak na may sapat na supply ng dugo ang bansa sa harap na rin ng nararanasang pandemya.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine at takot sa COVID-19, ang mga nagboboluntaryo na mag-alay ng dugo ay limitado lamang, kaya’t hinikayat nito ang publiko na tumulong at magligtas ng buhay sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-do-donate ng dugo.
Simula ng napasinayaan ang blood donations noong taong 2017, 85 million katao ang pumirma at nakatanggap ng notifications mula sa pinakamalapit na blood service facilities tungkol sa oportunidad na mag-donate.
Ang blood donations feature ay available sa 31 bansa kabilang ang Pilipinas at para mag-register bilang blood donor sa Facebook, mag- log on sa http://facebook.com/donateblood at para sa karagdagang detalye kung papaano gumamit ng Facebook Blood Donations bisitahin lamang ang https://socialgood.fb.com/health/blood-donations/.