PRC nangakong hindi iiwan hanggat hindi tuluyang nakakabangon ang Marawi

Muling binisita ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga survivor ng Marawi siege.

Kasunod nito nangako si PRC Chairman Richard Gordon na magtutuloy-tuloy ang pagtulong sa mga kababayan na naapektuhan ng bakbakan.

Sinabi din ni Gordon na magkakaloob sila ng sewing machines sa ilang ilaw ng tahanan upang makapagsimula ang mga ito at magkaroon ng maliit na puhunan.


Ayon pa sa opisyal hindi lamang pagde-deploy ng medical teams, medical tents at relief goods ang ginawa ng PRC sa Marawi kundi maging ang kanilang kabuhayan ay ibinigay na rin.

Sa datos ng PRC, 6,014 families ang nabigyan nila ng livelihood at shelter repair assistance kabilang ang 2,000 rebel returnees na napagkalooban din ng P10,000 cash grant para sa pagsisimula ng kanilang negosyo.

Tiniyak naman ng PRC katuwang ang International Committee of the Red Cross (ICRC) na hindi iiwan hanggat hindi tuluyang nakakarekober ang mga kababayan sa Marawi.

Facebook Comments