PRC patuloy sa pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng lindol

Photo Courtesy: PH Red Cross’ Susan Mercado

Nakipagtulungan ang Philippine Red Cross (PRC) sa Department of Health (DOH) upang mabigyan ng psychosocial support ang mga nakaligtas maging ang mga naulilang pamilya ng magnitude 6.1 na lindol.

Ayon sa Red Cross, layon nitong maibsan kahit papaano ang pait at pighati ng mga nawalan ng mahal sa buhay at na-trauma matapos mabiktima ng lindol.

Sa ngayon ayon sa PRC 20 empleyado ng gumuhong Chuzon Supermarket at 12 survivors na naka-confine Sa Julio Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando, Pampanga ang kanilang binibigyan ng psychosocial support


Maliban dito tinututukan din ng Red Cross ang displaced Aeta community sa Porac.

Sa kabuuan 55 Aetas families o 207 individuals ang inaalalayan ng PRC ang mga ito ay tumangging manuluyan sa kongkretong evacuation center matapos ma-trauma dulot ng lindol.

Nakapagpamahagi na rin ang mga volunteers ng Red Cross ng hygiene kits sa 60 indigenous families sa Sitio Pasubul, Barangay Camias sa Porac.

Tuloy-tuloy din ang pamamahagi nila ng hot meals sa Aeta Market Evacuation Center.

Facebook Comments