Inihayag ng Malakanyang na pumayag ang Philippine Red Cross (PRC) sa discount na hiningi ng gobyerno para mabayaran ang higit na P900 milyon utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakipagtawaran sila sa Red Cross at pumayag naman sa kanilang hirit.
Gayunman, walang binanggit si Roque kung hanggang magkano ang kayang ibawas ng Red Cross sa utang ng PhilHealth.
Ginarantiyahan naman ng Malakanyang na makakabayad ang gobyerno sa utang nito sa Red Cross.
Iginiit pa ni Roque na accounting lang ang kailangan at sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) ay sasagutin ng gobyerno ang PhilHealth kaya’t malabo itong maubusan ng pondo.
Facebook Comments