Pormal na tinggap ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Senator Richard Gordon ang tulong ibinigay ng Qatar Red Crescent (QRC).
Sa turnover ceremony na ginawa sa main office ng PRC, dala ng QRC ang 40 toneladang pagkain at non-food products, tents, inuming tubig, sanitation, electricity generator, at rescue boats.
Ayon kay Senator Gordon, ang nasabing ayuda ay ipamamahagi sa mga rehiyon na nasalanta ng Bagyong Ulysses.
Partikular na tinukoy ni Gordon ang mga probinsya ng Cagayan, Catanduanes at Camarines Sur.
Pinangunahan ni Qatar Ambassador to the Philippines Ali Bin Ibrahim Al-Malki ang delegasyon ng QRC bilang head of Mission to the Philippines QRC Adbelmounaim Mhindate.
Ang QRC ay 15 taon ng katuwang ng PRC sa mga humanitarian mission kung saan tumulong na rin ito sa mga biktima ng kalamidad sa bansa tulad ng Typhoon Haiyan noong 2013, Typhoon Hagupit noong 2014, Surigao earthquake at Typhoon Vinta noong 2017.
Kasama rin dito Typhoon Mangkhut noong 2018 at nag-donate din sila sa water tanker at 650 na disaster-resilient shelter sa mga biktima ng Yolanda 2013.