PRC, umaapela na sa publiko ng blood donation sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa

Nananawagan ang Philippines Red Cross (PRC) sa publiko na mag-donate ng dugo.

Sa harap ito ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa kung saan mahalaga ang dugo na makokolekta para sa mga pasyente.

Katuwang ang Philippine Army, nagsagawa ng blood donation drive ang PRC sa 24 na sites na pinagdausan ng simultaneous mass blood donation.


Partikular sa major locations sa Mandaluyong, Rizal, Pasig, Makati, Malabon, Laguna, Palawan, Sorsogon, Antique, Davao Oriental, South Cotabato, General Santos, Batanes; Batangas, Baguio, Cagayan, Zamboanga del Sur; at Iloilo.

Facebook Comments