PRC, umapela na ng tulong sa publiko para sa mga sinalanta ng lindol sa Davao del Sur

Umapela na sa publiko ang Philippine Red Cross o PRC at humihingi ng tulong  para ibigay  sa mga pamilyang sinalanta ng magnitude 6.9 na lindol sa Davao del Sur.

Ayon kay PRC Chairman at Senator Richard Gordon, manipis na ang resources ng PRC lalo pa at hindi sila tumitigil sa pagbibigay ng ayuda simula ng mangyari ang  unang malakas na lindol noong October sa North Cotabato.

Sa ngayon, on going ang pagbibigay ng psychosocial intervention ng Red Cross volunteers sa mga pamilyang na trauma sa pagyanig.


Nag-deploy din sila ng mga karagdagang ambulansiya na magagamit sa lugar mga welfare desks na magbibigay ng agarang tulong, tatlong water tankers lalo na sa munisipalidad ng Matanao at Padada.

Abala din ang rapid assessment team ng Red Cross sa pagdokumento sa lawak ng pinsala ng lindol sa rehiyon.

Facebook Comments