PRC, umapela sa publiko na magpatupad ng fire safety measures

Manila, Philippines – Ngayong kaliwa’t kanan ang sunog muling nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) sa publiko na siguraduhing ipinatutupad ang household-level fire safety measures

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon mahalagang alam ng bawat myembro ng pamilya ang 4P’s principle—predict, plan, prepare, practice—upang matiyak ang kaligtasan ng bawat miyembro nito kapag nabiktima ng sunog o anumang kalamidad.

Sinabi pa ni Gordon na nag-uumpisa ang fire safety sa mga tahanan.


Kasunod nito suportado aniya ng Red Cross ang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) na layuning itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa Fire Prevention Awareness Month.

In case of emergency, maaari aniyang tumawag sa Red Cross hotline sa numerong 143.

Sa ngayon mayroong 19 na fire trucks ang PRC na handang tumugon sa anumang fire emergencies.

Facebook Comments