PRC, umapela sa publiko ng suporta sa libu-libong apektado ng lindol sa Mindanao

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) ng suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol na ngayon ay nasa iba’t ibang evacuations centers sa Mindanao.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, malaking tulong sa mahigit 35,000 pamilya o katumbas ng 178,000 indibidwal ang maiaambag ng publiko sa pamamagitan ng kanilang donasyon sa mga residente ng  North Cotabato at  Davao del Sur na lubhang napinsala ng lindol.

Hinikayat din ni Senator Gordon ang publiko na mag-donate ng pagkain, medisina, malinis na tubig, mga gamit sa bahay, kulambo, kumot at iba pang mga kakailanganing mga kagamitan.


Nagsimula ng maglagay ng malinis na tubig ang PRC sa Kidapawan City, North Cotabato para matiyak na magkaroon ng sapat na malinis na inuming tubig sa mga evacuation center.

Dagdag pa ng opisyal na ang PRC North Cotabato-Kidapawan City Chapter namahagi ng almusal sa humigit kumulang 3,000 individuals sa  Old Bulatukan at Malasila Elementary Schools sa  Makilala, North Cotabato, at nagsagawa first-aid, ED psychological counselling at namahagi ng  beneficiary cards sa  529 families at  potable water sa mga residente ng  Barangay Ilomavis.

Facebook Comments