Inaasahang makakatanggap ng cash incentive ang mga senior citizens edad 80, 85, 90 at 95 sa pamamagitan ng expanded Centenarian Act.
Sa Dagupan City, sinuyod ang tatlumpo’t-isang barangay upang tunguhin ang mga senior citizens sa pagsasagawa ng pre-assessment para sa Grant of Benefits to Filipino Octogenarians, Nonagenarians, and Centenarians, alinsunod sa Republic Act (RA) 11982.
Tatanggap ng cash incentive na nagkakahalaga ng P10, 000 ang mga ito sa bawat pagsapit sa itinakdang mga edad, at tatanggap pa rin ng P100, 000 kung umabot sa Isang Daang taon.
Makatutulong ang naturang incentives sa mga senior citizens lalo na pagdating sa pantustos ng kanilang kinakailangang pangmedikal, at pantulong na rin sa araw-araw nilang pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









