Manila, Philippines – Dinagsa ng mga lokal at dayuhang mga prospective bidders ang pre-bidding conference ng National Food Authority para sa nakatakdang pagbili ng dagdag na 250,000 metric tons ng bigas.
Inilatag sa pre-bid conference ang susunding Terms of Reference mula sa inaprubahan ng NFA Council na 5.8-bilyong pisong pondo sa importasyon ng bigas.
Ayon kay NFA spokesperson Angel Imperial, target nito na punan ang suplay ng bigas sa panahon ng Nobyembre hanggang panahon ng Holiday season.
25-percent well-milled broken ang klase ng bigas ang bibilhin ng NFA sa pamamagitan ng competitive bidding.
October 18 ang itinakdang pagsusumite ng mga interesadong supplier ng kanilang bidding price.
Ito na ang pangatlong pag-aangkat ng NFA ng bigas ngayong taon at kauna-unahan matapos namang maibalik sa Department of Agriculture ang pamamahala sa ahensya.