
Sinimulan na ng Philippine National Police – Internal Affairs Servixe ang pre-charge investigation laban sa 6 na police personnel ng Manila na sangkot umano sa robbery extortion sa Makati City.
Ayon kay IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, inihahanda na ang pagsasampa ng administratibong kaso sa mga mapapatunayang sangkot sa nasabing insidente.
Aniya, hindi nila kukunsitihin ang anumang kriminal na gawain ng sinumang pulis na nasa serbisyo at sa mga mapapatunayang responsable sa nangyaring krimen.
Saklaw ng imbestigasyon ng IAS ang usapin ng command responsibility, lalo na kung mapapatunayang may pagkukulang sa pangangasiwa ang mga opisyal na may kapangyarihang mamuno.
Matatandaan na ang lahat ng mga miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Malate Police Station ay ni-relieve na sa pwesto habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon.










