Ilalahad nang isang kinatawan mula sa Deparment of Foreign Affairs (DFA) ang mga detalye kaugnay sa susunod na biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa labas ng bansa.
Ito ay ang State Visit ng presidente sa People’s Republic of China na naka-schedule sa darating na January 3 hanggang January 6.
Inaasahang haharap sa pre-departure briefing kaugnay ng biyaheng China ng pangulo si DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial.
Matatandaang inimbitahan ni Chinese President Xi Jin Ping si Pangulong Marcos na bumisita sa China para sa state visit.
Wala pa namang inilalabas na impormasyon ang mga kinauukulan patungkol sa posibleng mapag-usapan ng dalawang lider ngunit may mga naging pahayag na sa nakaraan ang Chief Executive na umaasa siyang mapag-uuspan nila ng Chinese leader ang isyu sa West Philippine Sea.