PRE-DISASTER RISK ASSESSMENT MEETING, IKINASA NG LGU CAUAYAN

Cauayan City – Nagpulong ang pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Cauayan upang talakayin ang gagawing paghahanda sa posibleng pagtama ng bagyong Marce.

Dumalo sa nabanggit na pagpupulong ang mga City Officials na pinamumunuan ni Cauayan City Mayor Hon. Caesar “Jaycee” Dy Jr., kasama ang mga Department Heads, at personnel ng iba’t-ibang ahensya kabilang na ang PNP, BFP, CDRRMO, POSD, at iba pa.

Sa isinagawang pagpupulong, tinalakay rito ang naging development ng bagyong Marce sa mga nakalipas na oras at ang mga posibleng maranasang sama ng panahon sa mga susunod na oras at araw habang papalapit ito sa ating bansa.


Pinag-usapan rin dito ang pagpapatupad ng Liquor Ban Policy kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang paglalako, pag-bili, at pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Samantala, puspusan rin ang ginagawang monitoring ng Cauayan CDRRMO sa magiging pagbabago ng bagyo, at sa sitwasyon sa buong lungsod ng Cauayan.

Maliban dito, ibinahagi rin ang ginawang pagtugon ng LGU Cauayan sa mga residenteng naapektuhan ng nakalipas na bagyong Kristine at Leon.

Facebook Comments