Hinikayat ng Dagupan City Disaster Risk Reduction Management Office ang mga Barangay DRRMO na itaas ang red alert status ng mga ito kaugnay pa din sa pagtaas ng tubig na dulot ng high tide.
Sa Naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan CDRRMO Technical Working Group Head Ronald De Guzman, mula sa blue ay kailangan itaas sa red upang maging handa ang mga ito kung sakaling kailanganin ng evacuation sa mga residente.
Sa ngayon ay wala din munang mga papayagang maliligo sa Tondaligan Beach dahil sa lakas ng alon.
Samantala aabot ng ilang araw pa ayon kay De Guzman ang epekto ng high tide sa lungsod bagamat hindi na ganun kataas lalo na at depende din sa tubig na manggagaling sa Sinucalan River. |ifmnews
Facebook Comments