PRE-EMPTIVE EVACUATION NG MGA RESIDENTE SA CALASIAO, HINIHIKAYAT

Nag-abiso ang Calasiao Police Station para sa iminumungkahing pre-emptive evacuation para sa mga residenteng nakatira sa bahaing lugar.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-ulan na nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng tubig sa kailugan na maaaring magpabaha sa mga komunidad.
Nakataas kahapon ang Orange Level Heavy Rainfall Warning sa buong lalawigan na nakakapag-imbak ng nasa 15-30mm na ulan kada oras.
Umabot din sa abot 9ft ang lebel ng tubig sa Marusay River sa Calasiao kahapon na lagpas na sa critical level nitong nasa 8ft lamang dahilan ng hanggang tuhod hanggang balakang na pagbaha sa mga barangay.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ang kahandaan sa pagresponde at wastong pagbibigay abiso sa mga residente para sa kaligtasan ng publiko maging ng mga responders. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments