Pre-installed Facebook app sa Huawei, tinanggal na rin

107

Wala nang pre-installed Facebook application na makikita sa mga bagong biling smartphone ng Huawei Technologies Co.

Ayon sa Facebook, suspendido na ang paglalagay ng kanilang software sa Huawei matapos ang restriksyon na ipinataw ng United States sa Chinese tech giant.


Mayroon pa at pupuwede pang iupdate ang Facebook app sa mga naunang modelo ng Huawei, ngunit asahang hindi na ito kasama sa mga pre-installed app sa mga bagong unit ng mabibili.

Siniguro naman ng Facebook na magagamit at downloadable pa rin ang app para sa mga bagong Huawei user.

Matatandaang ipinagbawal ng U.S sa mga tech company sa bansa na makipag-negosasyon sa China tech nang walang pahintulot sa gobyerno.

Una na ring nagsabi ang Google, gumagawa ng operating system ng Huawei, na kahit suportado pa nila ang kasalukuyang Huawei units, hindi na magkakaroon pa ng kanilang flagship apps at services ang mga susunod na modelo nito.

Facebook Comments

From Advertisers