Malaki ang tyansa na maabot ng bansa ang 5% hanggang 5.5 % na paglago ng ekonomiya o Gross Domestic Product (GDP) para sa buong taon.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na naging maganda kasi ang paglago nitong 3rd quarter na mas mataas kaysa sa inaasahan at nakikitang magpapatuloy ito hanggang ngayong 4th quarter ng taon.
Ayon kay Lopez, sa ngayon ay kailangan na lamang ng bansa ng 4.8% na paglago ng GDP upang maabot ang pre-pandemic GDP level sa susunod na taon.
Kung sakali aniya ay baka malagpasan pa nito ang target na 6% hanggang 7% na 2019 pre-pandemic level sa 2022.
Itinuturing din aniya ang 2022 bilang year of recovering back.
Facebook Comments