Pre-pandemic routes, ibabalik ng MMDA

Ibabalik na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dating ruta ng mga pampublikong transportasyon noong wala pa ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Ito ay kasunod ng pagbaba ng Metro Manila at 38 na lugar sa Alert Level 1 dahil sa bumababang kaso ng COVID-19.

Ayon kay MMDA General Manager at Officer in Charge Romando Artes, una na itong tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Steven Pastor at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra.


Sa kasalukuyan ay nasa 345,000 na sasakyan ang naitatala sa EDSA kada araw kung saan mababa ito sa 405,000 noong pre-pandemic level.

Matatandaang isinara ng pamahalaan ang public transport sytem noong March 2020 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments