Pre-registration para sa National ID, posibleng isagawa sa kalagitnaan ng Oktubre – NEDA

Plano ng National Economic and Development Authority (NEDA) na magsagawa ng pre-registration para sa National Identification system sa Oktubre.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, inisyal nilang target na maiparehistro sa national ID ang nasa limang milyong Pilipino pero tila malabo itong maabot dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang mga opisyal ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay bibisitahin ang mga mahihirap na pamilya at simulan ang pangongolekta ng non-biometric information.


Sa ilalim ng proposed 2021 budget, nasa ₱4.1 billion ang inilaan para sa pagpapatupad ng national ID system.

Ang physical IDs ay gagawin sa Nobyembre o Disyembre ngayong taon kung saan ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang inatasang gumawa nito.

Sa susunod na taon, target ng NEDA na maiparehistro ang nasa 40 milyong Pilipino sa sistema.

Ang mga limang taong gulang pababa ay hindi muna ipaparehistro dahil maaari pang magbago ang kanilang biometrics.

Ang mga bagong silang na sanggol ay bibigyan lamang ng identification numbers.

Facebook Comments