Sinimulan na ng Kamara ang pre-registration para sa mga kawani na nais magpabakuna ng COVID-19 vaccine.
Kasabay na rin ito ng paghahanda sa inaasahang vaccination sa Marso o Abril.
Base sa Memorandum na inilabas ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, inaatasan ang Human Resources Management Service na kolektahin ang impormasyon ng mga empleyadong gustong magpabakuna.
Maaaring magpaturok ng bakuna ang lahat nang empleyado ng Mababang Kapulungan, anuman ang employment status, ito may ay permanent, contractual at Congressional Staff, kasama ang apat sa kapamilya.
Kabilang din ang mga empleyado ng Commission on Audit (COA), Civil Service Commission (CSC), Department of Budget and Management (DBM), Presidential Legislative Liaison Office (PLLO), Landbank of the Philippines, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), HRep Cooperative, at Mutual Aid Association (MAA) na nakatalaga sa Kamara.