Pre-screening sa mga paalis na OFW isasagawa sa NAIA

Bumuo ang Bureau of Immigration (BI) ng special team na magsasagawa ng pre-screening sa mga paalis na Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa memorandum order ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina ang nasabing designated OFW counters ay eksklusibong magagamit lamang ng mga OFWs.

Sinabi pa ni Medina na layon nitong bigyan ng courtesy ang mga tinaguriang modern-day heroes na kadalasang nakararanas ng mahahabang pila sa immigration counters


Tiniyak ni Medina na mayroong miyembro ng Bureau’s Travel Control and Enforcement Unit na magsusuri ng travel requirements ng mga OFWs upang hindi magkaroon ng mahabang pila sa mga designated OFW counters.

Paliwanag pa ni Medina na kung umaabot sa 45seconds ang pagproseso sa mga dokumento ng mga ordinaryong pasahero sa pamamagitan ng designated OFW counters mababawasan ng 33% ang processing time sa mga dokumento ng mga OFWs.

Facebook Comments