Pre-shaded ballot sa Canada, itinanggi ng Philippine envoy

Itinanggi ng Philippine envoy sa Canada na mayroong pre-shaded ballot na ipinamahagi sa overseas Filipinos doon.

Ayon kay Philippine Ambassador to Canada Rodolfo Robles, nakatanggap siya ng reklamo mula sa isang Pilipino sa Vancouver na sinasabing nakatanggap siya ng pre-shaded na balota.

Pero imposible aniya ito dahil nagreklamo ang nasabing Pinoy sa parehong araw na ipinadala ang mga balota mula sa Ottawa, gayong dalawang araw ang pinakamaiksing panahon para matanggap ang balota.


Giit ni Robles, ang insidente ay maituturing “poisoned pill” na layon lang sirain ang electoral system.

Sa 1.6 million registered overseas Filipino voters, 90,000 dito ang nasa Canada.

Facebook Comments